Takot sa mga nilalang na lumilipad at gumagapang.
Image Source : 9gag
Meron ba kaung kinaiinisan at kinakatakutang mga bagay o mga nilalang o maging tao man? Gumawa ako ng istorya kung saan halos magkakapareho ang ating mga kinaiinisan at mga kinakatakutang mga bagay. Walang iba kundi ang mga insektong ito.

Nariyan lang sila sa paligid at di natin mauubos dahil kasama na sila sa ecosystem. Patuloy silang dumarami dahil na rin sa kanilang kapasidad na magparami ng kanilang lahi. Inaamin ko na naiinis talaga ako sa kanila dahil nagiging annoying sila sa aking pagtatrabaho.

Ganito din ba reaksyon ninyo tuwing kayo’y nagugulat kapag nakakakita ng mga kinakatakutang mga bagay na lumilipad at gumagapang?

Ito po ang Top 5 - mga insektong nakakatakot at kinaiinisan natin sa ating mga bahay. Malamang ay palagi niyo silang na eengkwentro sa inyong buhay.


Lamok
1. Lamok – Ito yung klase ng nilalang na nakakabwesit kasi ang sakit/makati talaga pag nakagat ka. Nagiging active sila tuwing takipsilim hanggang di pa naghahating gabi at madaling araw hanggang di pa tanghaling tapat.

Palagi ko silang kasama araw-araw kapag andito nako nakaupo sa harap ng computer. Kahit anong paraan ang gawin ko para mapatay sila ay di pa rin nauubos. Ewan ko kung saan to galing tong mga ito.

Ang pinakamakating lamok ay yung naka stripe at mala-zebra ang kulay na siguradong magkakapantal ka sa kanilang kagat. Ang ginawa kong solusyon ay magjacket na lang para lang hindi makagat. Di bale nang mainit kaysa makagat at maasar sa mga lamok na ito. Image Source : Alvesgaspar

Langaw
2. Langaw – Nakakainis tong mga langaw nato kasi kahit buhay ka pa, nilalangaw ka na. Hindi maubos-ubos ang lahi at batid kong alam nyo na may dala itong mga mikrobyo na galing sa mga basura, mga dumi ng hayop at minsan ay sa tao, mga dura, at iba pang mga nakapandidiri na mga bagay.

Nakakainis dahil kung minsan dumadapo ito sa lips nyo which is so very kadiri. HAHA. Nahalikan mo pa yung langaw na nakakadiri. Minsan rin nakakaasar pag dumapo ito sa iyong kinakain. Nakakabadtrip.

Minsan din pag may sugat ka, hindi ka nito lulubayan. Siguradong susunod at susunod ito. Image Source : Gladson Machado

Centipede
3. Centipede – Isang mala-train na nilalang na may maraming paa. Kadalasan itong nakikita sa mga worn-out-clothes o yung mga damit na hindi na nalalabhan at nakatambak lang sa sulok.

Sabi ng mga magulang ko ay magkakalagnat ka kapag nakagat ka nito which is totoo dahil tiningnan ko sa internet kung anong mangyayari kapag nakagat ka nito. Symptomas ay sobrang sakit doon sa lugar na nakagat ng centipede, pamamaga, sakit ng ulo, alibadbad at pagsusuka pagkabalisa at pangangati. Source : Wikipedia.org.

Pagnakakita ako nito sa bahay ay agad kung pinapatay baka kasi kung saan pa mapunta, maswerte na lang tong nilalang nato pag nakatago sa masisikip na lugar at di ko siya kayang abutin. Image Source : Vaikoovery

House Spider
4. House Spider – Makikita kadalasan sa mga bahay natin. Kapag nakita mo ito sa pader o dingding ng bahay nyo maaalarma ka dahil kapag ika’y napalingat, sa isang iglap ito’y mawawala at talagang ikaw ay magppanic. Pero wag kang magpanic kasi ansabi ng nabasa ko sa may-ari ng picture nato ay bulag daw ang mga ito at harmless.

Kadalasan ay naghahanap sila ng mate. Malalaman mong lalaki yan kapag may parang dalawang paa sa kanyang bibig. Talaga namang mababait sila dahil kinakain nila yung insektong gaya ng lamok at iba pa. Nakakatakot lang sila dahil sa napakahaba nilang mga galamay na talagang nakakapinindig balahibo.

Inaamin ko, ito yung pinakakatakutan ko sa lahat. Maging sa aking pagtulog ay napapaginipan ko. Buti na lang at may special power lagi sa panaginip at palagi akong nakakatakas sa kanila. Image Source : Geoff Oxford

Ipis
5. Ipis – At sinong di mapapatili sa insektong to? Na para bang artista dahil magsisigawan talaga ang mga tao mostly mga kakabaihan kapag ito’y lumipad na.

At ang mas nakakainis ay unpredictable ang kanyang paglipad at hindi mo aakalain na sa kanyang paglipad ay magpapalit ng direksyon na kung saan ka pumunta ay susunod din siya. Ma swerte ka kapag may kapatid kang lalaki na siyang papatay sa nialalang nato para matigil na ang kanyang kahibangan.

Bukod sa napakadumi at nagdadala ng maraming sakit, ubod pa ng pangit at sobrang kadiri. HAHA. Bitter. Aminin mo, ito na lang ata ang nagpapakilig sayo. Image Source : Gary Alpert

Hanggang dito na lamang po at sanay nakarelate kayo sa istoryang ito. E-share nyo lang po sa Facebook para mabasa din ng iba. Comment nyo na lang po ung iba pang mga nilalang na inyong kinakakatakutan maliban sa ating top 5 - mga insektong nakakatakot At kinaiinisan.

Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

Cheers!

Disclaimer : I do not own these images. They belong to their respective owners.

0 comments Blogger 0 Facebook

Post a Comment

 
DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top