Image Source : blogopm.blogspot.com |
Kay sarap ng musika natin noon, puro tunog kalye lang ang ating mga naririnig sa radyo at mga Classic Songs na talagang mapapasabay ka sa mga kanta. Yung mga kantang palagi kong naririnig like Parting Time, Elesi, The Day You Said Goodnight at iba pa.
Sa tuwing naririnig ko ang mga kantang yan, naaalala ko ang aking mga nakaraan at mga bagay na ginawa noong aking kabataan. Pag naririnig ko yung mga kanta ng Cueshé ay naaalala ko na palagi akong nakatambay sa Internet Shop.
Paborito kung mga banda ay sina Bamboo, Rivermaya, Cueshé, Hale, 6Cyclemind, Siakol, Paul Sapiera, Rockstar, Parokya ni Edgar, Kamikazee, Callalily, Sponge Cola, EraserHeads, Yano at mga Classic gaya ng April Boys at iba pa..
Mga paborito ko ding singer ay sina Yeng Constantino (bukod sa maganda at makulay niyang buhok, maganda pa yung boses niya), Charice pempengco, Gary V., Aiza Seguerra, at iba pa. At sa tuwing nakakarinig ako ng mga kanta nila ay siguradong makakasabay ka kasi OPM yan ihh. Which is iniidolo ko talaga sila dahil sa kanilang mga kanta.
Ngayon, para bang hindi ko na gusto ang henerasyon ng mga kabataan ngayon mostly High School na mga babae. Kasi sa tuwing napapadaan ako sa kanila may hawak-hawak na Cellphone, nakakarinig ako nga mga kantang di ko maintindihan. Alam nyo na ibig kong sabihin, Songs that were not originated from our country. Most of them are Korean Songs.
Ni isa sa mga lyrics di ko maintidihan. Ngayon iniisip nyo siguro na #Bitter ako. Sa tingin ko kasi mas tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ang mga Kanta ng mga banyaga which is para sa akin nakakairitang pakinggan. Okay lang sana kung banyaga pero English ang Lyrics dahil nakakaintindi ang makakarinig.
Halos naririnig ko lang sa lyrics ng mga Korean na kanta ay “Umol-umol” at “Pashok-pashok”. Bukod dyan ay wala nang iba. Kung susuriin mo siguro laman ng mga kanilang mga Phone (mga kabataan) ay puro siguro Korean Songs ang laman ng mga yan.
Hindi ko sinasabi na lahat ng mga bagay sa Koreans ay masama. Nanood din ako ng mga palabas na Koreans dahil ito ay may subtitle which is maiintindihan mo talaga. Nanood nga din ako ng mga Japanese na mga palabas like Anime.
Sinasabi ko lang yan kasi baliw na baliw ang mga kabataan ngayon sa mga ganyan. Halos araw-araw ay nakakarinig ako ng mga kantang yan na talagang napakasakit sa tenga. Umagang-umaga yan na ang maririnig mo. Nakakabulahaw sa ito sa iyong pagtulog lalong na ansarap ng tulog mo.
Alam kong ma offend kayo nito Korean fans pero ito ay aking opinion sa pananaw - musika noon at ngayon. At alam ko rin na mag-aani ito ng iba’t ibat komento base sa inyong pananaw. At alam ko rin na nabitin kayo sa istoryang ito. Mag comment na lang din po kayo kung kayo ay sang-ayon o di sang-ayon sa aking pananaw na ito.
Hanggang dito na lang po at sana ay nakuha ninyo ang aking ibig sabihin sa istoryang ito. Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.
Cheers!
0 comments Blogger 0 Facebook
Post a Comment