Nag-iisa
Image Source : Arief Rahman Saan (Ezagren)
Talagang ganito ang buhay natin. Nakakaranas tayo ng mga kahirapan, mga kalungkutan, at mga kasawian pero hindi naman lahat ay ganyan na lang. Nakakaranas din tayo ng mga kasaganaan at kasiyahan sa ating buhay.

Pero hindi ibig sabihin na nakamtan mo na ang kasaganaan ay wala na itong mga balakid at mga hadlang na haharapin.

Karamihan sa kanila ay ang mga taong nakapaligid sa atin na tutuligsa at hihilahin nila tayo pababa.

Dito sa istoryang ito, ilalathala ko ang Top 5 masakit na katotohanan sa ating buhay na kadalasan ay nangyayari talaga sa ating buhay at di natin kailanman maitatanggi.

Barkada – Napakasaya pagkasama natin ang ating barkada sa mga kasiyahan, inuman at mga kulitan at Lalong-lalo na pag may pera ka. Pag dumating ang panahon na Walang Wala Ka, ni anino di mo makita. Kung malalapitan mo man ay hinding-hindi mo mapapakinabangan. Bibihira lang ang barkadang di ka iiwan sa iyong kahirapan.

Politiko – Sila lamang ang yumayaman at nakikinabang sa pera ng bayan. Puro lamang mga salita at grabe kung makapagpabango sa kanilang pangalan before sa halalan pero ang totoong punterya nila ay ang kaban ng bayan. Pagkatapos ng halalan di mo na yan malalapitan at napakahilig niyan magtago. Iilan lamang ang masasabi nating tapat sa kanilang tungkulin, isa na riyan ang Mayor ng Davao na alam kong ganito rin ang inyong iniisip. Hindi niya ako partido ni hindi rin ako mahilig sa politika pero sa nakikita ko sa kanya, sincere siya sa kanyang ginagawa.

Selos – Marami ang klase at posibilidad ng selos. Pero ang tinutukoy kong selos ay ‘yung sa trabaho. Nagseselos ang ibang kasama mo sa trabaho dahil parang ambilis mong na promote kahit kabago-bago mo pa lang at di nila akalain na umangat ka kesa kanila. Sisiraan ka nila at gagawin ang lahat para ka bumagsak. At kung lumago ka man sa iyong negosyo, hihilahin ka nila pababa dahil naiinggit sila.

Husga – Huhusgahan ka ng mga taong nakapaligid sayo. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang mga tao, babasehan ka nila sa kanilang nakikita. At ang masakit, negative ang feedback sayo ng mga tao. Maririnig mo na lang ang mga istorya sa mga chismoso’t chismosa sa inyo. Ni hindi pa nila alam ang katotohanan, nanghuhusga na at tinatapak-tapakan ang iyong pagkatao at ang iyong dignidad.

Friendzoned – Isa ito sa pinakamasakit na mangyayari sa iyong buhay at alam kong agree kayo dito. May nagugustuhan kang isang tao pero talagang ang tingin lang niya sayo ay Kaibigan. Makikita at marininig mo ito sa kanya base sa kanyang mga sinasabi like “We’re friends right?” which is a nightmare. Na Friendzoned ka na ba?

Hanggang dito na lang po. Ito po ay base sa aking mga nararanasan, mga nakikita at naririnig sa kapaligiran at sa mga balita sa T.V. Kung nasiyahan at nakarelate man kayo sa istoryang ito, e-share nyo po sa iba through FB para kanilang mabasa.

Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

Cheers!

2 comments Blogger 2 Facebook

  1. Sangayon po ako sa inyong mga ideya na base sa reyalidad ng buhay. Tunay nga pong ang kaibigan ay madalas lamang andyan pag ikaw masagana. Yung iba ay parang bulang nawawala o diya parang panahong bigla nalang nagababago pag ikay lugmok na. Ngunit may mga kaibigan tayo na nariyan sa hirap at ginhawa. Mga totoong kaibigan. Mga totoong tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka po. Iilan na lang talaga ung mga tunay na kaibigan na hindi ka iiwan sa iyong kahirapan. mostly kasi pag nilalapitan mo na at alam nila kung bat ka lumapit sa kanila ay magddahilan yan ng kung anu-ano. pero minsan naiintidihan mo sila dahil sila rin ay naghihikahos din.

      Delete

 
DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top