Anime
Naaalala nyo pa ba ang mga palabas noon sa telebisyon? ‘Yung mga pinapanood nating mga cartoons/anime na dahil sa mga yan ay maaga tayong umuuwi galing sa skwela. May ibang anime na sa gabi na nila pinapalabas ewan ko kung bakit.

Dahil sa mga anime na ‘yun, sa tingin ko tumaas ang rating ng GMA dahil halos lahat ng kabataan ay nanunood ng kanilang mga palabas na anime. At dahil din sa kanila, di na tayo mautosan ng ating mga magulang dahil hindi na maalis-alis ang ating pwet sa ating kinauupuan para lang makapanood nito.

At kapag advertisement na, dali-dali tayong lumalabas ng bahay kapag ang utos ay bumili sa tindahan. Kumakaripas sa takbo para lang walang ma-miss na scene sa bawat palabas na anime. May iilan ako na naaalala pa na mga anime na palabas noon sa telebisyon.


  • Hell Teacher Nube
  • Hell Teacher Nube

    “Sa mundo nating ito may mga nilalang na nakapaligid sa atin na hindi natin nakikita.. nagmumula sila sa mundo ng dilim... sa mundo ng walang hanggang karimlan.... NUUUUUBEEEEEE... “ Napapanood lang natin to kapag Lunes. Ito ‘yung palabas na may halimaw na kamay ang teacher pero ginagamit niya ang kanyang kamay sa kabutihan. Naaalala ko ‘yung kanyang isang estudyante na babae na may abilidad na humaba ang liig. Siya nga pala, ang mga kalaban ni Nube ay mga halimaw.


  • Ranma ½
  • Ranma 1/2

    Napapanood tuwing Martes. Ranma one-half ang tawag sa kanya dahil sa tuwing binubuhusan siya ng malamig na tubig ay nagiging babae at nagiging lalaki kapag binubuhusan ng mainit na tubig. Nasumpa kasi si Ranma dahil sa resulta ng aksidente sa kanyang training.


  • Master of Mosquiton
  • Master Of Mosquiton

    Napapanood tuwing Miyerkules. Ito ‘yung palabas na may Bampira na may dalawang alagad(babae at lalaki) na may kapangyarihan ng apoy at yelo at isang babae na ang pangalan ay Inaho na obsessed sa pera at siya ay may lola na nainlab sa isang Bampira.


  • Vision of Escaflowne
  • Vision of Escaflowne

    Napapanood tuwing Huwebes. Istorya ng isang babae na nagngangalang Hitomi na isang highschool student at isang lalaki na nagngangalang Van na isang hari sa Fanelia. Sinasakop kasi ng mga Zaibach Empire ang planet Gaea kaya pinipigilan nila ito sa pamamagitan ng fortune telling ni Hitomi. Mala-gundam ang style ng palabas nato.


  • Fushigi Yuugi
  • Fushigi Yuugi

    Napapanood tuwing Biyernes. Istorya ng dalawang babae na nagngangalang Miaka at Yui na hinigop ng misteryosong libro ng “The Universe of Four Gods” doon sa National Library. Si Miaka ay naging Priestess sa Suzako at siya’y na inlab sa lalaking si Tamahome. Pero itong si Yui ay naging kalaban at karibal dahil sa sobrang inggit nito sa kanya.


  • Virtua Fighter
  • Virtua Fighter

    Sa pagkakaalala-alala ko, napapanood ko to tuwing Linggo. Istorya ng babae na marunong mangarate na nagngangalang Pai at siya’y nahalikan ng isang lalaki sa isang Chinese Restaurant na kumakain ng Dumplings. Di sinasadya ng lalaki ang kanyang paghalik sa babae dahil sa isang rason at ‘yun ang panahon na nagkakilala sila. Ang pangalan ng lalaki ay Akira. Sa kanilang paglalakbay makilala nila si Jacky at Sarah at ang isang squirrel.


  • Pokemon
  • Pokemon

    Sinong di nakakaalam ng palabas na to dahil sa mga cute na pokemon? Istorya ng isang bata na nagngangalang Ash na gustong ma capture lahat ng pokemon. Siya ay may freed na pokemon na si Pikachu na kasama nia sa kanyang paglalakbay. At sa kanilang paglalakbay may nakikilala silang mga kaibigan na sina Brock at Misty na mga Gym Leaders at nagiging kasama din nila sa kanilang masayang paghahanap sa ibang Pokemon at makipaglaban sa iba pang mga Gym Leaders.


  • Dragon Ball Z
  • Dragon Ball Z

    Ito ‘yung tipo ng palabas na halos mawasak na ang daigdig dahil sa sobrang lakas nga mga karakter sa palabas na to. Ang pangunahing karakter ng palabas na ito ay wlang iba kundi si Goku na isang Saiyan. Isa siya sa mga Saiyan nakaligtas sa pagsalakay ng kalaban sa kanilang planeta bago ito mawasak. Ang kanyang karibal sa palakasan ay wlang iba kundi si Vegetta na isa ding Saiyan. Walang araw na di naiinggit si Vegetta kay Goku dahil palaging mas lamang sa kapangyarihan si Goku kaysa kanya. Ilan sa kanyang mga kalaban ay sina Cell, Freeza, ang mga Androids at iba pa.


  • Flame of Recca
  • Flame of Recca

    Napapanood mula Lunes hanggang Biyernes.Istorya ng isang binatang lalaki na may kapangyarihan ng apoy na dragon na may walong personalidad dahil dumadaloy na sa kanila ang ganitong klase ng kapangyarihan simula noong una pa man. Ito ay sina Nadare, Saiha, Homura, Setsuna, Madoka, Rui, Kokuo at si Obeshi. Siya ay may pinuproktektahan na babae na tinuturing niyang prinsesa na palaging kinikidnap ng kanyang mga kalaban. May kapatid din siya na lalaki na naging kalaban niya dahil sa isang rason. Meron din siyang mga kaaway na naging kanyang kaibigan at kasama sa kanyang paglalakbay.


  • Monster Rancher
  • Monster Rancher

    Ito ‘yung istorya ng isang bata na nagngangalang Genki na hinigop ng CD papunta sa mundo ng mga Monsters. Doon nakakilala siya ng mga kaibigan na tao na kasama niya palagi na si Holy at mga Monsters gaya nila Mochi, Suezo, Tiger, Hare at Golem. Minsan nakakaiyak ang eksena pag may Monster na namamatay dahil sa kasamaan na gawa din ng mga Monsters na pinamumunuan ni Master Moo – isang masamang Monster at makakapigil lamang sa kanya ay ang Phoenix.

    Iilan lamang ito sa mga naaalala kong mga palabas na anime sa telebisyon. Di ko man mabanggit ang lahat, sigurado ako na gusto nyo rin ibahagi ‘yung inyong mga naaalala na mga palabas noon.

    Kung nasiyahan man kayo, e share po ninyo para mabasa ng inyong mga kaibigan. Comment nyo na lang ‘yung mga hindi ko nabanggit na mga palabas.

    Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

    Cheers!

    0 comments Blogger 0 Facebook

     
    DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
    Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
    Top