Bakit may tambay? Bakit wala silang mga trabaho. Palaging laman ng kalye. Minsan yung iba nagpapakalunod sa mga inuming nakakalasing. Yung iba naman ay sa droga nalulong.
Alamin po natin bakit dumarami ang tambay dito sa Pilipinas. Ayon sa Trading Economics, 2.6 million ang unemployed dito sa Pilipinas noong October 2013.
Talagang marami ang walang trabaho. Minsan sinisisi natin ang Gobyerno dahil sa wala tayong ma-applyan na trabaho. At yung iba may iba’t ibang kadahilanan. At ito ang tutukuyin natin kung isa ka ba sa mga nasa listahan kung wala ka mang trabaho o unemployed.
Ito na po ang ating Top 5 Reasons Bakit May Tambay o Unemployed :
1. Kaya pa siyang buhayin ng kanyang mga magulang – May iba na umaasa lang sa kanilang mga magulang dahil may kaya sila at kayang-kaya siya pa siyang buhayin kahit di na magtrabaho. Minsan di mo rin masisisi ang ganitong klaseng tao kasi marahil merong negosyo ang kanilang mga magulang kaya kahit na di siya maghanap ng trabaho buong taon ay di siya magugutom. Ito marahil ang pinanghahawakan niya.
2. Tinatamad mag apply at namimili ng trabaho - Minsan ganito ang mga walang trabaho o unemployed. Tinatamad maghanap ng trabaho buong araw. Gusto nila yung trabaho in an instant. Yung makakapasok agad. Yung iba naman ay namimili ng trabaho. Actually maraming trabaho kaya lang yung rate per day ay di kalakihan kaya napipilitan na maghanap ng iba na kadalasan ay nauuwi sa pagiging unemployed. Yung iba ay di feel yung nakitang trabaho which is qualified talaga siya kaya lang, hindi niya gusto ang atmosphere ng nakitang trabaho.
3. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral – Ito marahil rason ng mga kabataan na nakikita natin sa mga kalye na nakatambay lang. Hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Hindi matutustusan ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-aaral kaya nahinto. Yung iba’y nahinto dahil na rin sa pagbubulakbol sa pag-aaral. Hindi sineseryoso at puro lakwatsa lang ang laman ng isipan. Kahit anong payo ng magulang ay di talaga nakikinig. Mas sinusunod pa nito ang layaw at kadalasan sa barkada na tumitira o di kaya’y buong araw na wala sa kanilang bahay dahil kung saan-saan nagpupunta.
4. Hindi na qualified dahil sa edad – Yung iba ay lumagpas na sa edad kaya di na naghahanap ng trabaho. Na-didiscourage dahil yong gusto niyang trabaho ay di niya makamit dahil may age limit. Kahit qualified siya sa requirements ay di pa rin siya tatanggapin kaya nauuwi sa pagiging unemployed. Kaya habang maaga pa, habang bata kapa, matutong maghanap ng trabaho. Baka mauwi ka sa ganitong klase ng kadahilanan.
5. Adik sa Online Games – Ito yung pinakatampok natin. Sa panahon natin ngayon ay maraming kabataan ang nahuhumaling at naaadik sa mga online games. Araw-araw ay palaging laman ng internet shop. Ni hindi na mautusan ng kanyang mga magulang dahil sa palagi itong wala sa bahay. Uuwi lang ito pag nagutom o matutulog. At kung minsan hindi na naliligo dahil sayang yong oras kapag naligo pa siya. Ganun kalaki ang impluwensiya ng online games sa mga kabataan ngayon. At minsan nangungupit ng pera sa kanyang mga magulang para lang makapaglaro ng online games. Pero kung tutuusin mas gusto kong marami ang naaadik sa online games kaysa sa droga.
Ito po ang ating top 5 reasons bakit may tambay o unemployed. Sana nagbigay po ito ng kaunting kaalaman at impormasyon sa atin. Share nyo na lang po sa Facebook.
Salamat po sa inyong pagbabasa. Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.
Cheers!
sino po owner ng aricle na to? cite ko po kasi sa research ko
ReplyDelete