Computer
Image : Pixelkunst
Ito siguro ‘yung masayang alaala noong kabataan ninyo dahil ito ‘yung panahon na lage tayong babad sa computer. Napakasayang balikan ‘yung wala pa tayong internet at puro offline games lang nilalaro natin. Ito ‘yung kadalasan nating nilalaro, computers noong kabataan ko.

Marahil iba sa atin ay nagpupunta sa ating mga kapitbahay o di kaya’y nilalakad natin ang mga bahay ng ating mga kaibigan na nasa ibang baranggay o lugar at di alintana ang pagod sa paglalakad basta lang makapaglaro ng computer.

Naaalala ko na palagi akong nagpupunta sa aking mga kaibigan kahit na wala pang ligo para lang makapaglaro sa kanilang family computer, brick game, gameboy at minsan doon sa playstation na tig 15pesos ang bayad.

May mga listahan ako na sigurado akong nilalaro nyo din noong inyong kabataan at hindi natin maaaring ipagkaila.


  • Playstation
  • playstation
    Image Source : bwerban

    playstation
    Image Source : TH3GAM3RCHIK

    Alam ko na nilalaro nyo rin to noong inyong kabataan. Maswerte na ‘yung batang may playstation sa kanila. Kadalasan ay nag rerent lang tau ng 15-25pesos/hour. May kamahalan man pero ang kapalit naman ay kaligayahan. Naalala ko noong grade school ko, nilalaro ko ay Monster Rancher. Isang laro na mag-aalaga ka ng monster tapos e-ttrain mo para lumakas at labanan ang kapwa trainers na may monster din. ‘Yung iba ay Castle Vania, Crash Bandicoot, Tekken, Marvel Vs. Capcom/Streetfighter at iba pa.


  • Sega
  • Sega
    Image Source : cmaxair
    Sega
    Image Source : >laintrogames

    Ito ‘yung laro na uso ang Sonic. Naiinggit ako sa mga kapitbahay na di pa ko malapit sa kanilang puso. Parang gusto kong pumasok sa kanilang bahay para makapaglaro din. Nasa labas lang ako, nakatayo at walang magawa kundi manood . Uso din ang Mortal Kombat sa Sega. Yang dalawang laro lang talaga naaalala ko sa Sega.


  • Gameboy
  • Gameboy
    Image Source : nintendo insider
    Naaalala ko noong gradeschool. ‘Yung kaklase ko may Gameboy kaya ginagawa ko ay sinusunod ko lahat ng utos niya para lang ako makahiram ng kanyang Gameboy(so desparte para makalaro lang haha). ‘Yung naaalala kong palagi niyang nilalaro ay ‘yung Looney Tunes which is inggit ako at gustong gusto ko talaga makapaglaro din. Di nagtagal ay nauso din ang Pokemon na tape ng Gameboy which is napaka “COOL” laruin.


  • Brick Game
  • Brick Game
    Image Source : revealillusions.wordpress.com

    Sinong di nakakaalala sa Brick Game. Noong first time ko makita to na nilalaro ng isang babae na ang bahay nila ay nasa katabi ng bakanteng lote, parang deep inside napa “WOW” ako kasi parang nakakachallenge ‘yung laro. Kelangan mong eerase ang bawat blocks sa pamamagitan ng maayos na pagbbuild. Simula noon ay nagpupunta nako sa kanilang bahay.


  • Family Computer
  • Family Computer
    Image Source : sugi-kun
    Mario
    Image Source : taragis.com
    Contra
    Image Source : taragis.com

    Ito ‘yung da best kasi halos ng kabataan ay meron nito sa kanila. Nag-aagawan pa kung sino ang maglalaro kapag marami kayo sa inyong pamilya. Naalala ko talaga ang Mario at Contra noong nilalaro ko pa ang Family Computer. Meron itong maraming laro gaya ng Galaga, Mountain Climber, Duck Hunt, Pacman at iba pa. Naaalala ko rin ‘yung tape na 9999 in 1 na akala mo talaga ay ganun kadami ang laro. Pero sa totoo lang, paulit ulit lang ‘yung laro. Gaya nyo rin, ako ay biktima haha. Naaalala ko nga pala ‘yung cheat ng Contra na press mo lahat ng button like Select + Start + A + B + arrow buttons, para lang maka 30 lives. At ‘yung hundred lives ng Mario na magtatalon-talon ka sa turtle dun sa malapit sa flagpole o finish line.


  • Tamagotchi
  • Tamagotchi
    Image Source : Webmaster Abril

    Sinong di mapapakanta sa cute na cute na larong to? Nakalimutan ko kung anong taon ito lumabas noong aking kabataan basta sa pagkakaalam ko, matagal akong binilhan ng papa ko ng Tamagotchi. Inggit ako sa ibang mga bata na may Tamagotchi. Para kasing laruin dahil na rin sa bawat comment ng iyong mga kaibigan. Ito ‘yung klase ng laro na mag-aalaga ka ng iyong pet. Papakainin mo at patutulugin para lumaki.

    Di ba kaysa noong mga panahon na ‘yun na palagi tayong babad sa mga ganitong klaseng Computer. Di pa uso ang computer natin ngayon at gadgets gaya ng mga cellphone, android, tablet, at iba pa. Ni hindi natin pinoproblema ang internet. Ok na tayo basta kasama natin ang ating mga kaibigan o barkada sa paglalaro ng mga ito.

    E-share nyo po sa iba para kanilang mabasa din. Baka sakaling maalala nila ang kanilang childhood experience. Share po sa Facebook kung kayo man ay natuwa sa istoryang ito. Thanks!

    Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

    Cheers!

    0 comments Blogger 0 Facebook

     
    DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
    Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
    Top