Inis ako sa mga ito.
Ito marahil ang kadalasang nangyayari din sa inyong buhay dito sa Facebook. Hindi ko maitatanggi na ganito ang talaga ang araw-araw kong mga kinaiinisan na mga bagay na nangyayari sa iyong Facebook.

Iba-iba man tayo ng mga na-eengkwentro na mga bagay na ating nakikita maging ito man ay nakakasiya o ating kinaiinisan pero alam kong halos magkapareho lng tayo ng mga nararanasan.

Ito po at inyong tunghayan ang Top 5 nakakainis sa Facebook na alam kong nangyayari din sa inyo sa paggamit ninyo ng Facebook. Alam kong medyo bitter tong post ko pero ito talaga ang katotohanan.

Game Request – Isa rin to sa mga nakakainis. Nakakainis tong mga taong todo sa pagsend ng game request sa mga kaibigan kahit alam nilang wala itong paki. Walang oras na di ka makakatanggap ng notification. Kala mo may mahalagang nagaganap, yun pala ay game request lang. Sana matuto naman kayong makiramdam sa mga taong ayaw maglaro ng kinabubusyhan mong laro.

Seen – Nakakainis to kapag yung taong mnessage mo ay hindi man lang nag reply. Alam mong nabasa na niya ang iyong message dahil sa Seen Indicator sa inbox o chatbox. Iwan ko ba’t may mga taong ganyan. Dalawa lang ibig sabihin niyan, nabasa niya ang message pero busy siya para mag reply at tuloyan ng nakalimutang replyan ka o di kaya’y wala kang halaga sa kanya.

Auto Tag – Kala mo may nag comment o kung ano man dahil sa notification. Yun pala ay auto tag lang ng mga kaibigan mo na gustong gusto magpalit ng Facebook Theme na kalianman ay hindi mangyayari. Nakakainis dahil wala naman talagang saysay yang mga yan at minsan naiisip mo na sana yung nagpasimuno na lang ng Auto Tag ang nabugbog doon sa Condo o di kaya ang Chicser.

Selfie – Yung mga taong todo Selfie kahit ampanget na ng mukha. NagduDuck Face pa na talagang nakakasuka at may mga Iyak at Laslas Effect Selfies at meron pang nagsSelfie sa mga Patay na talagang kala nila matutuwa ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit sila ganyan at wala akong balak na mambasag ng trip pero sana matuto naman silang magpose ng maayos para di kanchawan ng mga tao sa Facebook. Alam kong totoo tong kasabihan nato – “Kung sino pa yung panget, siya pa tong todo mag Selfie”.

Status – Iyong klase ng mga tao na ginagawang Diary ang Facebook. Shini-share nila ang mga ginagawa nila sa bawat oras at ang mga nangyayari sa kanilang buhay kahit na ang mga tao ay talagang walang paki. Kulang lang talaga sa pansin at kung minsan ay tina-Tag ang friend para may mag-interact sa kanyang status. Feeling nila sikat sila dahil sa mga pinopost nila at minsan nilalangaw ang post nila dahil walang nagccomment at nagla-Like.

Hanggang jan na lang po. Sana ay nagustuhan nyo aking mga panlalait pero alam kong natuwa din kayo sa pagbabasa. HAHA :) Share nyo po sa Facebook para makita at mabasa din ng iba.

Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

Cheers!

6 comments Blogger 6 Facebook

  1. Hindi na uso ang "duck face"! "look up" na uso ngaun haha

    ReplyDelete
  2. hahaha. ganun ba. hindi na pala ako updated sa mga nangyayari ngaun haha.

    ReplyDelete
  3. Asar talo ako sa auto tag! lalo na yung mga selfie picture nila pati sakin itatag, buset! mukha ko ba yun at ita-tag din ako :-t

    ReplyDelete
  4. heheh. kahapon lng na tag ako sa pgkarami raming selfies in 1 pix, ni hindi ko xa kilala. pero pinabayaan ko n lng hehe. wawa nmn.

    ReplyDelete
  5. Ang naaasar ako sa status e yung mga nilalagay lahat, pati mga awayan nila ng asawa, ex o shota nila. Kung paminsan-minsa e ayos laang, lalo kung mabagal ang araw, walang magawa at wala rin namang mapanood sa TV. Pero pag madalas, kakasora.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. madalas yan. minsan kahit walang paki ang mga tao kahit anong nangyyari sa buhay nila. kahit anong iyak2 pa nila

      Delete

 
DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top