Image Source : pesosandsense.com |
Mustamos mi amigos. Tatalakyin po natin ang mga don’ts sa facebook para iwas hack at virus. Nagiging madalas na kasi ang ganitong pangyayari sa Facebook at gusto kong maprotektahan ang inyong account at mapanatili ang privacy ninyo laban sa mga nagttake advantage sa mga nagaganap sa ating bansa o sa mundo.
Sinasabi ko ngaun to dahil alam kong dumarami na’ng lumalabas ngayon na mga link gaya ng [S]e[X] [S]canda[L] at iba pang mga links na lumalabas kapag may nangyayaring event o pangyayaring di inaasahan gaya ng kay Vhong Navarro na biglang nag sulputan ang mga videos na ginulpi siya (mauling videos).
Kadalasan sa mga nagsshare at nagcclick ng mga ganitong klase ng mga links ay yung mga taong walang karanasan sa internet. Basta-basta lang mag click para makakita at makapanood ng nasabing “video tape”.
Hindi ko alam kung sino ang may pakana ng mga bagay na to at bakit nila ito ginagawa. Ngayon basahin ninyo ang ilan sa mga nararanasan at nakikita ko sa Facebook sa panahon ngaun na sigurado akong nararanasan nyo rin.
Talagang hindi natin maiiwasan na mapa-click tayo sa mga ganung mga links na nasshare sa mga Social Media Sites gaya ng Facebook dahil na rin sa ating mga nakikita na talagang makukuha yung attention mo sa mga shared links dahil sa Thumbnail at description na gaya ng “2, 565, 311 people have shared this video. Click to watch this video.” , “1, 436, 417 have watched this. This video was leaked from Cedric Lee stolen laptop” at iba pa. Ito ang mga shared links na aking nakita sa Facebook at kumuha ako ng screenshots para rin inyong makita.
Isa pa ‘tong Facebook Theme. Huwag po kayong maniwala sa ganyan dahil kailanma'y di mag-iimplement ang Facebook ng ganyan dahil walang kwenta yan. Kapag na tag ka bigla ng friend mo ng ganito, pabayaan mo na. Wag ka magcclick ng kung ano-ano baka ma activate mo pa yung virus. Sinong tao ang gustong magkaroon ng theme na sobrang panget at masakit sa mata. Di paba kayo kuntinto sa default theme? Sinadya talaga ng Facebook na ganyan ang default theme para hindi masakit sa mata at user friendly.
Dapat maging lesson na sa atin to na “Huwag kailanman basta-basta maniniwala sa mga kumakalat na balita gaya nang nung kay Vhong na namatay na siya. Hangga’t di pa lumalabas sa Telebisyon o Radyo ang mga ganyang klase ng balita ay dapat maging mahinahon.
Hindi nyo po alam na sa pagclick nyo ng mga shared links, nagsshare din kayo ng malalaswang videos dahil na activate ang virus na lingid sa inyong kaalaman. Mga kaibigan mo lang ang nakakakita ng mga posts na rated 18.
Hanggang dito na lang po. Sana wag na tayo basta-basta mag share ng mga links kasi may mga minor de edad na mga gumagamit din ng Facebook. E-share nyo po sa Facebook para mabasa din ng iba. This will serve as a Warning.
Inuulit ko po, huwag basta-basta magclick o magshare ng mga ganito. Salamat.
Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.
Cheers!
Yan ang napapala ng mga malilibog, basta makakita ng S* Scandal pindot agad :P
ReplyDeletehahaha. marami niyan. mostly mga kabataang lalaki. pindot ng pindot basta makapanood lng
Delete