Feel embarrassed
Merong nakakatuwa at nakakatawang karanasan natin sa highskul. Nakakatuwa ‘yung mga panahon na nakakausap mo si Crush o di kaya’y lagi mo siyang nakakasama. ‘Yung mga panahon na kasama mo ang mga barkada sa mga kalokohan at paglalakwatsa(kasama na dun ang pagliban sa klase).

Mga panahon na malaki ang grades mo at may mga panahon na maliit at ‘yung time na pagagalitan ka ng mga magulan mo dahil sa mga bagsak mong grades. Lalabas na ‘yung mga pangungusap ng magulang mo gaya ng “Hindi ka kasi nag-aaral at Puro ka kasi lakwatsa at minsan Grounded ka which is so sad.”

Marami ding nakakatawa na mga experience lalo na ‘yung mga embarrassing moments sa high school. Hindi man natin sinasadya ang mga pangyayari pero ang lahat ng ito ay kusang nagaganap at hindi natin mapipigilan dahil kasama na ito sa kasaysayan, mga karanasan, experience sa ating pag-aaral.

Ito ang TOP 5 nakakahiyang karanasan natin noon.

Piyok - Ito ‘yung panahon ng pagbibinata o pagdadalaga ng mga babae. Pero kadalasan nangyayari ito sa mga lalaki. Nakakatawang isipin pag may mga kaklase ka na pumipiyok habang nag rerecite o nagbabasa ng libro sa harap ng klase. Na experience ko ito noong 2nd year. Parang walang araw na hindi ako pumipiyok sa pagsasalita. Pinagtatawanan ka na ng mga kaklase mo at pati na rin ng guro dahil pinapabasa ka ng libro sa harap ng klase. At mas lalong nakakahiya kay Crush.

Sipon - Kapag may sipon ka, kailangan mo talagang ilabas yan. Wag mo nang patagalin hanggang sa dumating ‘yung lolobo na ang sipon mo. Nangyari ito sa isa kong kaklase sa HS na habang nag-uusap kaming mga magkakatabi sa upuan ay dumating sa punto na ‘yung topic ay nakakatawa. ‘Yung nangyari ay sobrang nakakatawa. Nangyari ang di inaasahan. Lumubo ang kanyang sipon at grabe ‘yung tawanan namin at dahil sa nangyaring ‘yun, minsan siya’y nagiging topic sa mga usapan.

Dalaw - Panahon na may dalaw ka at hindi mo alam anong gagawin. Conscious ka palagi kasi baka may makakita/makaamoy ng dugo. Parang ayaw mong umupo sa upuan kasi baka magka-stain ang upuan ng dugo. Madalas akong maka encounter ng ganitong problema ng mga kaklase kong babae which is really hard for them.

Huli! - Kapag nahuli ka ng teacher mo na nangongopya ka sa katabi mo. Isa na rin ‘yung nahuli ka ng teacher mo na nagccheat sa ka sa exam/test using kodigo. Nakakahiya sa buong klase dahil tahimik ang lahat kapag nag-eexam at alam mo na ang mangyayari kapag nagcheat ka. Mapapahiya ka talaga ng todo.

Putok - Pinakasamang panaginip na nangyari sa iyong buhay sa high school. Nangyayari to kapag nakalimutan mong maglagay ng deodorant sa kili-kili mo dahil sa pagmamadali mo. Kadalasan nangangamoy ang kili-kili mo pag dating ng hapon o minsan kahit sa umaga pag pinagpawisan ka masyado. Nakakainis dahil hindi mo alam ang gagawin. Patay-mali ka na lang sa mga kaklase mo. Ang masaklap pag mahangin minsan o di kaya’y may electric fan, siguradong makakaamoy ‘yung katabi mo. HAHAHA. SO DISGUSTING!

Ito po ang mga top embarrassment na na-enkwentro ko sa high school. Kung kayo man ay natuwa o nakarelate, share nyo po sa iba para mabasa din nila.

Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

Cheers!

2 comments Blogger 2 Facebook

  1. Sa karanasan ko naman e me kinalaman sa sipon. Ubo. Pinagtatawanan sa amin kapag ang ubo mo e dry at malakas.

    ReplyDelete
  2. un ung ubo na parang may tb ka dahil sa sobrang dry. nkkahiya tlga un sa klasrum lalo ba pag anjan si crush haha

    ReplyDelete

 
DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top