Nakakainis tong mga mukha na to
Image Source : Michael Verhoef
Sa nilalaman ng istoryang ito, inilalahad ko ang top 5 - nakakainis na mukha sa internet. Alam kong ganito rin ang nararamdaman nyo pagnakikita nyo ang mga pagmumukha nila. Naiirita ako pag may mga balitang may kaugnayan sa kanila.

Parang di matapos-tapos ang balita na may kaugnayan sa kanila lalong-lalo na yung Number 5. Nakakainis kapag may balitang galing sa kanya. Nakakainit ng ulo. Lahat ata tayo ganito ang nararamdaman.

Lumalala na talaga ang mundo at wala nang kalutasan sa mga problema. Ang bansa natin ay nalulugmok na dahil na rin sa mga kasakiman ng mga taong nasa Number 4 at 5.

Ang lahat ng istoryang narito ay opinion ko at base na rin saking nakikita at naririnig sa mga balita sa Radio at T.V. kaya ko nabuo itong Top 5 - nakakainis na mukha sa internet. Hindi ko na po patatagalin pa, ito na po sila. :

Deniece Cornejo
1. Deniece Cornejo - Isang babae na ngayon lang sumikat sa taong ito. Ni hindi ko narinig ang pangalan niya sa T.V. o Radio. Ngayon lang lumabas nung mangyari ang Mauling Incident sa kanyang tinitirhang Condo na hindi niya pagmamay-ari. Naiinis ako sa kanya dahil sa mga kuha ng CCTV na talagang hindi nangyari ang nasabing rape na naging ugat ng panggugulpi kay Vhong Navarro. Nakakatawang pahayag niya na na rape daw siya ni Vhong nung panahon na yun. Kitang kita na walang bakas na siya ay na rape base na rin sa CCTV na ating nakita. “Minute To Win It” nga kung ituring ng mga netizens ang sinasabi niyang rape. Ganun na ba talaga kabilis si Vhong para mangrape? Alam kong maganda siya (di gaya noon na nakikita natin sa mga nalabas na mga pictures ngayon sa social media sites noong hindi pa siya nag paretoke). Kaya nga bumabalik pa rin si Vhong sa Condo pero hindi maganda ung ginawa niya na ipa-Gank si Vhong sa mga hayop na yun.

Cedric Lee
2. Cedric Lee - Ito yung hayop na tinutukoy ko at yung mga kasama niya. Nakakainis talaga ang pagmumukha ng taong ito. Sinasabi niya sa interview na noong pumasok sila sa unit ni Deniece ay naaktuhan daw nilang ni-rerape si Deniece. Hindi raw niya kilala ang lalaki at pagkaharap daw ay si Vhong daw ito at kanila itong ginulpi. Napaka impossible ng kanyang pahayag na ito sa interview kasi kitang kita sa CCTV sa elevator na Game na Game na siyang gumulpi. Ready to fight ika nga. Swerte lang siya dahil marami sila. Kung nag-iisa lang yang Cedric na yan ay di mabubugbog ng ganun si Vhong. Inaamin ko kumukulo dugo ko sa kanyang smile na walang kwenta sa mga pictures niya.

Atty. Howard Calleja
3. Atty. Howard Calleja - Ito yung attorney ni Deniece na pilit tinatakpan ang mga pagkakamali ni deniece. Alam kong trabaho niya ito bilang isang abogado pero kung ky Deniece lang din siya papanig, wag na. Malabong paniniwalaan ka ng mga tao. May pera si Deniece dahil sa mga connections ng mga bigating tao kaya kayang siyang bayaran nito. Isa pang nakakatawa yung balitang rape na nangyari daw kuno na gaya ng nasa larawan. Ikaw kung may prinsipyo kang tao at pumapanig ka talaga sa mga naaapi, hindi ka talaga masisilaw sa perang ipapakita sayo. Yung chance na manalo ka sa kaso na ipapataw mo sa panig ni Vhong ay parang buhok mo, “Walang-Wala”.
Anong klaseng balita to?

Janet Lim Napoles
4. Janet Lim Napoles - Ito yung mga Famous Lines ni Napoles : “Hindi ko po alam” , “Nakalimutan ko po" at “I invoke my right against self-incrimination”. Ano yan? Amnesia Girl? Nakalimutan lahat? How come na makakalimutan mo lahat ng mga kasaganaang nakamtan mo sa pagkamkam ng pera ng taong bayan. Talagang hindi niya gusto umamin at sabihin dahil natatakot siguro siya sa mga taong sangkot sa PDAF scam na ito. Ganun lang ba kadali kamkamin ang pera at maghappy-happy sa pera ng taumbayan? Kung naibigay lang sana yun sa mga totoong sanggunian na tatanggap ng pera ay sana nakakaahon ng kunti ang mga magsasaka. Bakit ba kasi naisipan niya ang ganyang klase ng panloloko na alam naman niyang mabubuko rin siya sa huli. At napansin ko lang, kung sino pa tong malaki ang ninakaw na pera ay makukulong sa bilangguang kompleto ang kagamitan at masarap ang pagkain samantalang yung mga karaniwang magnanakaw ay nakukulong sa mga sira at mabahong kulungan. Hindi talaga patas ang batas dito sa Pilipinas.

Kim Henares
5. Kim Henares - Gaya ng inyong nakikita sa picture, nakakainis talaga balita ito. Alam kong trabaho niya ito pero kung lalagyan mo pa ng tax ang mga kaunting kita ng mga mahihirap na tao, ano na lang kaya ang mangyayari sa kanila. Nakakabwesit talaga pag nakakakita ko tong mga ganitong klase ng balita. Hindi pa ba sapat yung pera na nakukuha ninyo sa mga mayayamang tao? Hindi ka ata nakikiramdam sa mga mahihirap. Pano kaya kung ikaw Commissioner Henares ang nasa kalagayan ng mga taong kaunti lang ang kita sa negosyo tas lalagyan ng tax ung kaunting kita mo, hindi ka ba aangal? Kulang na lang ata yung hangin at araw. Madaling-madali sayo na sabihin yang mga ganyang klase ng alituntunin kasi hindi ka naghihirap. Malaki ang sahod mo at ewan ko lang kung hindi ka nakakakuha ng pera sa mga buwis. Nung nakita ko ang balitang to sa Facebook via Interaksyon.com, I was like “Are you nuts?

Sila po ang ating top 5 - nakakainis na mukha sa internet. Alam kong umiinit din ang inyong ulo sa kanila. Inaamin ko umiinit talaga ulo ko sa Number 5. Halos lahat na lang may tax. Mayaman ka man o mahirap.

E-share nyo po sa Facebook para mabasa din ng iba. Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

Cheers!

Disclaimer : I do not own these images. I get them from shared links from Facebook and mostly from National News.

3 comments Blogger 3 Facebook

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. Number 5, tlaga ang sobrang nakakainis. Sarap sampalin ng tamTAX sa mukha ang hayop na yan. Yun mga mayayaman na tax evader ang habulin mo animal ka! Wag yung mga taong isang kahig at isang tuka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kawawa tlga ang mga mahihirap tsk tsk.. ilang pera na nanakaw nyan

      Delete

 
DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top