Mga dapat gawin habang may ka-date na babae.
Image Source : bobsled.com
Tapos na ba kayong maligo, magpagupit, maglaba at magsuot ng mga bagong damit? Naghahanda na ba kayo sa February 14 o magsisindi na lang kayo ng katol? Hehe. Alam kong dumarami ang single dahil sa di torpe at nawawalan ng lakas ng loob pagkaharap na nila ang kanilang Crush. Ni hindi alam kung ano ang mga dapat sabihin at ang mga dapat na gawin.

Maganda ang topic nato dahil alam kong nalalapit na ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day. Yung mga single pwede pang humabol para para di lamukin sa nalalapit na araw na yan. Ginawa ko ito upang yung wala pang syota ay pwede pang magkaroon sa pamamagitan ng mga tips and advice na ito na pwede nyong gamitin at e-apply habang may ka-date.

Hindi ko na po patatagalin pa at ito na po ang mga interesting topics na pwedeng pag-usapan habang ka-date ang isang babae.

Personal na Nakahiligan – Ito ang pinakagusto ng mga babae. Tanungin mo siya kung anong mga gusto at di niya gustong mga bagay. Magpakita ka ng interes sa kanyang mga sinasabi at e appreciate mo ang kanyang mga bagay na gusto at ipakita mo sa kanya na gusto mo rin yung kanyang mga nagugustohan kung baga may pagkakapareho kayo sa inyong nagugustohan.

Music o Kanta – Tanungin mo siya kung gusto niyang ng music at kung mahilig man, tanungin mo siya kung ano ang mga hilig niyang kanta. Tapos sabihin mong gusto mo rin yung sinasabi niya at bakit mo ito nagustohan. Magbigay ka rin ng iyong mga tipo ng kanta baka sakaling gusto niya rin ito.

Fashion – Itanong mo sa kanya kung mahilig ba siya sa fashion at yung mga damit na gusto niyang isuot maliban sa suot niya sa inyong pag-uusap at anong brand ng damit ang gusto niya. E-appreciate mo anoman ang kanyang nagustohan sa mga damit na gustong niyang isuot pero magbigay ka rin ng iyong komento bakit mo ito gusto baka kasi masobraan ka sa pag-appreciate at baka akalain niyang boring na ito sayo at hindi na nakakatuwa.

Hobbies and Interests – Pag-usapan ninyo ang mga hobbies at interest ninyo sa isa’t isa maging ito man ay pagkanta, pagsayaw, basketball, pagffacebook buong araw at pati na rin yung kumain lang at matulog dahil siguradong masasabi ng babae na may sense of humor ka pag napatawa mo siya. At hanapin mo yung pareho ninyong personal nagugugstohan at pag-usapan.

Ambisyon – Ito ang magandang pag-usapan. Pag-usapan ninyo ang mga ambisyon at plano ninyo sa buhay. Magbigay ka ng pananaw sa ambisyon niya at gusto niyang ma achieve sa buhay. At kung ikaw man ay magshshare sa kanya ng iyong plano sa buhay ay siguradong magbibigay din siya ng pananaw ukol dito. Pero baka umabot sa puntong may ayaw siyang pag-usapan na mga bagay. Humingi ka sa kanya muna ng pahintulot kung ok lang ba pag-usapan yung ayaw niya. Kung hindi, wag mo na ipilit pa.

Pagkain – Ito ang topic na di kayo mauubusan ng inyong sasabihin. Tanungin mo siya anong paborito niyang pagkain at yung mga gusto niyang kainin, inumin at iba pa. Itanong mo rin siya kung nakakain na ba siya ng mga exotic na klase ng pagkain gaya ng palaka, ahas, balot, etc. Tanungin mo rin siya kung mahilig ba siyang magluto. At kung mahilig man, e-appreciate siya at tanungin kung ano ang mahilig niyang lutuin.


At ito ang mga Important Tips na kailangan ninyong e-apply habang may ka-date:

1. Maging Kalmado – Ito ang pinakaimportante sa lahat. Wag maging balisa at panatilihing maging cool.

2. Be Yourself – Ipakita mo sa kanya kung sino ka sa simula pa man hangga’t maaari.

3. Magpakita ng Interest – Ipakita mo na interesado ka sa inyong conversation. Kahit maging boring man o di na interesado ang usapan, siguraduhin mong nakikinig ka.

4. Tanungin mo ang Kanyang Opinion – Kapag nag-uusap kayo ng mga related topics, tanungin mo siya kung ano ang tingin niya sa iyong sinasabi para maramdaman niyang kasama siya sa usapan.

5. Maging Magalang – Dapat sa lahat ng pag-uusap niyo, panatilihin at ipakita ang pag galang sa isang babae.

Isa pa palang napakahalagang advice. Kung siya man ay nagsasalita pa, hintayin mo muna siyang matapos saka magsalita. At dapat may sense of humor ka para di maboring yung usapan dahil ito ay mag-iiwan sa kanya ng remembrance sa inyong pag-ddate.

Ngayon nalaman nyo na ang dapat gawin kapag kayo ay may kausap o ka-date na babae, may pag-asa pang magkaroon kayo ng Valentine ngayong Araw ng mga Puso.

Hanggang dito na lang po at sana nakapagbigay ito sa inyo ng mahalagang impormasyon ukol sa interesting topics na pwedeng pag-usapan habang ka-date ang isang babae. E-share nyo po sa Facebook para mabasa din ng iba.

Source : buzzle.com

Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

Cheers!

9 comments Blogger 9 Facebook

 
DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top