Awkward moments
Dahil sa araw-araw tayong may ginagawa at meron tayong mga taong nakakasalamuha, di natin maiiwasan ang mga embarrassing at awkward moments. Hindi talaga natin maiiwasang magkaroon ng mga ganitong eksena dahil naging parte na ito ng ating buhay.

Nakakaramdam lang tayo ng nagiging awkward na ang nangyayari kapag hindi ka na komportable sa nangyayari, hindi mapakali o di kaya’y na e-embarrass ka.

May listahan ako dito ng mga awkward moments na nangyari at naranasan natin na alam kong naranasan nyo na rin :

  • Nagpapatawa yung kausap mo pero di mo makuha yung joke niya at pinipilit mo na lang tumawa.
  • Kumaway ka sa isang tao pero di siya kumaway pabalik sayo.
  • Nagpost ka ng status na nakakatawa sa Facebook pero walang nag-Like.
  • Kapag may nakasalubong kang isang tao sa daan at gusto mong hindi kayo magbanggaan pero sadyang pareho kayo ng iniisip kung saang direksyon tutungo.
  • Yung taong tinititigan mo ay nahuli kang nakatingin sa kanya at dali-dali kang nag-iba ng direksyon sa iyong paningin.
  • Yung pinagmamalaki mo na magaling ka talaga sa isang laro sa computer pero nabibigo ka sa tuwing sinusubukan mong ipakita at patunayan sa kanila.
  • Bumisita yung mga kaibigan mo tas nakipag-usap sa magulang mo tas pawang mga nakakahiyang bagay ang pinag-uusapan nila.
  • Pilit mong tinatapos yung usapan pero yung kausap mo ay parang hindi na hihinto sa pagsasalita.
  • Nagsasalita ka sa iyong mga kaibigan pero na realize mo na walang sinoman ang may paki sa iyong sinasabi.
  • Yung taong kinaiinisan mo ay kaibigan ng kaibigan mo.
  • Dahil sa malikot ka, natabig mo yung private part ng stranghero sa likuran mo.
  • Tinatanong ka ng mga magulang mo kung may nagustuhan ka na ba.
  • Tinatanong ka ng mga magulang mo kung kelan mo sila bibigyan ng apo.
  • Confident kang tumayo at pumunta sa blackboard at sinagot ang Math problem pero napakalayo ng sagot mo sa correct answer.
  • Pinag-uusapan nyo ang isang tao pero di mo namalayang nasa likod mo na pala.
  • Nag Goodbye ka na sa isang tao pero pareho pala kayo ng direction na dadaanan.
  • Yung may nakasalubong kang isang tao na di mo close at kakamayin mo lang sana pero naging Hug/beso-beso.

  • Naranasan nyo ba ang mga bagay na ito? Ito’y talagang awkward moments na nangyari at naranasan natin. Anong ginawa nyo noong nangyari ang mga bagay na to?

  • Nanonood kayo ng movie kasama ang pamilya mo tas dumating sa part/scene na for [A]dult[s] only.
  • Nahuli ka ng magulang mo na nanonood ka ng [P]or[n] sa computer.

  • Salamat po sa pagbabasa, sana po ay nagustuhan po inyo itong ating awkward moments na nangyari at naranasan natin. Yung iba siguro dito ay hindi nyo pa nararanasan pero balang araw, mararanasan nyo rin. Kung nasiyahan man po kayo ay e-share nyo po sa Facebook para mabasa din ng iba.

    Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

    Cheers!

    4 comments Blogger 4 Facebook

    1. yung magkukwento tapos nakalimutan mo kung ano ang ikukwento mo

      ReplyDelete
    2. hahaha. uo. mostly nangyayari yan kapag may nag iinterrupt sa inyong usapan.

      ReplyDelete
    3. Yung wala kna macomment kundi LOL kahit hnd ka nmn tlga natawa.

      ReplyDelete
      Replies
      1. hehe. relate ako. dami ko ka chat na ginagamitan ko niyan. mostly pantapos sa usapan yang LOL, OK, K at iba pa.

        Delete

     
    DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
    Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
    Top