Arjohn Gilbert
Siguro, marahil ay marami na ang nakakakilala kay Arjohn Gilbert. Isang batang aeta na may tinatagong galing. Ito ‘yung kanyang magandang boses na mala-Rihanna, mala-Justin Bieber. Napansin nyo na siguro ang batang to noong mga nakaraang taon. At siguro may ibang tao na di pa siya kilala o di kaya’y di pa siya nakikita. Ito ngayon tinatampok ko sa istoryang ito ang kanyang galing.

Marami talaga ang namangha sa kanyang boses dahil nagagaya niya ang boses ni Rihanna at Justin. Magaling siya sa mga kulot parts na gaya ng mga professional singer. Kung kayo makakarinig, siguro maninindig balahibo nyo dahil di nyo akalain na ang isang batang aeta ay may ganitong talent.

Ngayon ay marami na mga netizens ang nag uupload ng kanilang kuhang videos sa Youtube sa mga pakitang gilas ni Arjhon Gilbert. At dahil sa mga posts sa Youtube at sharing sa mga social networking sites like Facebook, unti-unting sumikat itong si Arjohn.

Arjohn Gilbert
At dahil sa kanyang pagsikat, marami ang mga nag feature sa kanya gaya ng iba’t ibang TV Shows channel at nakipag-ugnayan. At dahil sa mga tv show na nagdatingan sa kanila ay unti-unting nagbago ang kanilang buhay.

May nakuha akong video sa youtube at pinost ko dito para makita at marinig ninyo ang kanyang mala-Rihanna at mala-Justin na boses.


Video Source : Jothan Gaetz



Video Source : Ammar Mehdi



Video Source : jnmcalinao


Dapat talaga ang mga ganitong talento gaya ng kay Arjohn Gilbert ay pinapakita at pinapalabas sa telebisyon para makita ng buong mundo at para naman makaangat sa buhay. Wag po nating ilihim kasi sayang naman kung di natin i-expose sa karamihan. Di kasi lahat ng tao binibiyayaan ng ganitong mga talento.

Kung kayo man ay nasiyahan sa pagbabasa sa aking istorya, e share nyo lang po sa iba para mabasa at malaman ng iba ang talento ni Arjohn Gilbert.

Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

Cheers!

0 comments Blogger 0 Facebook

 
DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top