Barkada
Image : Mark Jason Austria
Nakakatuwang isipin kapag may nakita kang mga kabataan sa daan o sa playground na naglalaro, nagkukuwentuhan, nagtatawanan o di kaya’y naghahabulan. May pagkakataong naalala mo ‘yung panahon ng iyong kabataan na ginagawa mo noon at ginagawa din ng mga kabataan ngayon.

Naalala mo siguro mga pagkakataong kayo’y hinabol ng aso dahil sa nagtrespassing kayo o di kaya’y hinabol kayo ng may-ari dahil namimitas kau ng mga bunga gaya ng bayabas, manga, o tambis nang walang paalam. Magcutting classes at pumunta sa baybayin kasama ang mga kaklase upang maligo.

Pati na rin sa bahay na alam kong may bagay na ginagawa nyo tulad ng pag kanta gamit ang suklay sa harap ng electric fan. Ito ay mga halimbawa ng mga bagay na ginagawa ko noong aking kabataan marahil ginawa nyo rin.

Ito at sasariwain natin ang mga bagay na nakakapagpaalala sa ating mga nakaraan. Wag po kayong mabibigla, just seatback and enjoy reading.

May iilan akong mga bagay na naalala ko na ginagawa ko noong kabataan ko na alam ko rin nagawa nyo na rin.


  • Babantayan ang refrigerator kung namamatay talaga ang ilaw.

  •  Babantayan ang ref
    Ito ‘yung bagay na palagi kung tinitingnan pag-isasara ko na ang ref. Minsan binubuksan ko ulit ‘yung ref at isasara ulit. Marahil ginagawa nyo rin to dahil alam kong curious din kayo kung namamatay ba talaga ‘yung ilaw o hindi.


  • Ginagawang kapa (cape) ‘yung tuwalya.

  •  Superhero de tuwalya
    Sinubukan nyo rin ba to? Ginagawang kapa ang tuwalya para maging superhero gaya ni Superman. Minsan ginagamit natin ang Tshirt para itakip natin sa ating mga mukha.


  • Sipsipin ang nectar ng Santan.

  •  Santan
    Image Source : immortal_undead

    Noong kabataan ko pag napadaan ako sa kalye o bahay na may Santan sa labas ay pinipitas ko ‘yung bulaklak at susungkitin ‘yung sentro ng bulaklak at kukunin yung semi-solid na hibla at lalabas na ‘yung nectar. May pagkakataon na matamis ‘yung nectar. Minsan din matabang di ko alam bakit ganun siguro dahil sa hamog o sa ulan.


  • Kumanta sa harap ng electric fan.

  •  Feeling singer sa harap ng electric fan.
    Alam kong ginawa nyo na to. Feel na feel ang bawat sandali sa pagkanta dahil mala-robot ‘yung boses mo. At batid kong sinusundan sundan nyo pa ang bawat galaw ng electric fan. Feeling natin ganyang ang mukha natin pag nakaharap sa electric fan na gaya ng nasa larawan.


  • Comics sa kapitbahay.

  •  Comics sa kapitbahay
    Image Source : kids.britannica.com

    Pumupunta sa kapitbahay para magbasa ng komiks sa halagang 1 peso at may orange juice pa na 50cents ang isang baso. May naalala akong comics ‘yung batang X kaya lang nakalimutan ko na ang istorya.Ito ‘yung naranasan ko sa aming lugar. Noong panahon kasi uso ang komiks at betamax, ni wala pang cellphone o internet shop kahit saan.


  • Dinidikdik ang bulaklak ng gumamela para gumawa ng mga bubbles.

  •  Gumamela
    Image Source : Rex David

    Ewan ko lang kung ginawa nyo rin ba to noon dahil ginagawa ko talaga to dahil na rin sa kapanunuod ng telebesyon. Dinidikdik ang bulaklak ng gumamela at haluan ng kaunting tubig para bumula. Pero di naman masyadong epektib kaya ginawa ko, hinaluan ko na lng ng Joy para talaga bumula haha.(life hack) :)


  • Kinakagat ang dulo ng lapis para lumabas o umangat ‘yung napudpud na pambura.

  •  Kagat sa dulo ng lapis.
    Image Source : Cymonspace

    Ito kadalasan nangyayari sa school. Wala kasi tayong pera pambili ng eraser kaya kinakagat na lang para mapakinabangan pa. Nilalawayan na lang minsan ‘yung papel pag wala na at kapag hindi na talaga kaya, diskarte mo na yan.


  • Nanunuod ng Sineskwela sa school dahil mandatory sa pag-aaral.

  •  Sineskwela
    Image Source : sulyapsanakaraan.blogspot.com

    Pinapalabas din ba kayo sa room nyo para manood ng Sineskwela? Nasubukan ko to noong grade school. Pero kung ang room nyo may T.V. , di na kailangan na lumabas pero mostly nasa labas kasi dalawang room lang ang may T.V. Nakakamiss ‘yung mga characters sa Sineskwela like Ugat Puno, Kuya Bok, Kulitsap, Palikpik, Agatom, Anatom at iba pang characters. ~ Sa Science oh agham.


  • Mabilis na umuuwi sa bahay para makapanood ng anime.

  • Anime
    Ito ‘yung panahon na maaga ka talagang uuwi sa bahay kasi sinusubaybayan mo ang bawat Anime na palabas sa telebisyon tulad ng Flame of Recca, Ghost Fighter, Dragon Ball, Pokemon, Hell Teacher Nube at kung ano pa. Dahil sa sobrang fanatic mo di ka na mautusan ng iyong nanay. Kailangan muna mag advertise saka mo pa gagawin ‘yung inuutos sayo kasi nga walang replay sa panahong ‘yun. Minsan nga e pag nakirinig ka ng mga kanta sa mga palabas na yan ay maalala mo ‘yung kabataan mo.


  • Mamitas ng Aratiles (Mansanitas)

  •  Mamitas ng Aratiles
    Image Source : seongyosa.files.wordpress.com

    Napakagandang pagmasdan ang puno ng Aratiles pag hitik na hitik at pulang pula ang mga bunga nito. Nakakakuha ng attention sa mga kabataan upang pitasin at kainin. Inaamin ko kumakain ako nito noon pero ngayon ayoko na. Hindi ko na kayang sikmurain ang amoy ng Aratiles. Para akong nasusuka pag nakaamoy nito.

    Yan lamang po ‘yung mga naaalala kong mga bagay sa aking kabataan. Siguro naalala nyo ngayon ‘yung inyong mga kalaro o mga kababata noon at kung minsan naitatanong nyo sa iyong sarili “Asan na kaya sila ngayon? Di ko na sila nakikita.” Marahil ang iba sa kanila ay nangibang bansa para doon magtrabaho. Ang iba naman ay nasa iba’t ibang lugar o di naman kaya’y may mga pamilya na.

    Kung natuwa man kayo sa istoryang ito, e share nyo din sa Facebook para makita at mabasa ng iba para naman maalala din nila ang kanilang kabataan. Comment nyo na lang ‘yung ibang hindi ko nailista dito para naman aming malaman ‘yung ibang bagay na ginagawa nyo noon.

    Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

    Cheers!

    0 comments Blogger 0 Facebook

     
    DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
    Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
    Top