Haaa?
Image : Nichelle Liu
Alam natin sa musmos nating edad ay madali tayong mag akala ng mga bagay-bagay na di natin alam na sa edad natin ngayon at saktong pag-iisip ay walang katotohanan ang lahat. Sa aking kabataan, maraming mga bagay na inaakala kong totoong mangyayari.

Naniniwala ka sa mga bagay-bagay dahil sa mga naririnig mo sa iyong mga kaibigan, kaklase o kapatid. O di kaya’y ‘yung isipan mo ay gumagawa ng konklusyon dahil na rin sa iyong mga nakikita sa palabas sa telebisyon.

Naalala ko sa isang kaklase ko sa Elementary na parang totoo talaga ang sinasabi niya which is sinunod ko talaga lahat ng ‘yon. Para kasing totoo kapag siya ang nangusap. ‘Yung expression ng kanyang mukha na talagang madadala ka sa bawat salitang binibitawan niya.

Ngunit nalaman ko sa aking paglaki na ang mga bagay na iyon pawang mga likhang isip lang o di kaya’y pamahiin. Minsan natatawa ako kapag naiisip ko ang mga sinasabi niya noon.

Pero gayon pa man, naging malaking bahagi rin ng buhay ko ang mga maling akalang iyon dahil nakagawa ako ng ganitong klaseng istorya na siguro alam kong naranasan n’yo rin o di kaya’y naging inyong paniniwala sa inyong kabataan.

Hindi ko man maalala ang lahat pero may mga bagay akong di ko pa nalilimutan. Siguro ilan sa mga ito ay naranasan nyo na mga maling akala sa iyong kabataan.


  • Eraser
  • Eraser
    Akala ko noong kabataan ko na ‘yung kulay blue or grey sa eraser ay nakakabura ng mga sulat na gawa ng ballpen. Pero ang totoo, ‘yung papel ang unti-unting nabubura hanggang sa magkaroon na ng butas ‘yung sinusulatan mo na papel. Pero gayon pa man epektib siya kahit konti. ‘Yun nga lang, ‘yung papel mo magiging manipis sa kakabura mo sa sulat na gawa ng ballpen.


  • Kisses (beads)
  • Kisses
    Image Source : thefilipinostyle.com
    Ito ‘yung mabangong beads na masarap amuyin. Kontrobersyal masyado tong kisses siguro alam nyo na kung bakit. Dumarami “daw” kasi tong kisses pag nilagay mo sa posporo na may cotton. Hindi ako makapaniwala pero parang totoo na dumarami kasi lahat ng mga kaklase at kaibagan ko ay nagsasabi na dumarami daw sila. Gawa na din ng ganitong mga usap-usapan bumili ako ng kisses at ti-nry ko na ilagay sa posporo na may cotton. Kinabukasan, na dismaya ako dahil di nagbago ang bilang ng kisses na nilagay ko. Sabi ng mga kaklase ko, di daw agad-agad dumarami ‘yung kisses. Naghintay ako ng ilang araw pero wlang nangyari.


  • Buto ng Santol
  • Santol
    Sabi ng mga kaklase at kaibigan ko na kapag nakalunok ka daw ng buto, tutubo daw ito sa iyong katawan. Kung ikaw ay kumakain ng santol at di sinasadyang nalunok mo to ay talagang magiging balisa ka dahil baka tutubo talaga ‘yung buto. Naranasan ko nakalunok ako ng buto pero wala namang nangyari. Hanggang ngayon ay wala akong nakikitang ugat, sanga o dahon sa aking katawan.


  • Halik
  • Halik
    Ito ‘yung paniniwala ko na hanggang grade 6 ay dala-dala ko pa rin. Akala ko talaga na nakakabuntis ‘yung halik. Minsan nag recess kami ng mga kaklase ko noong grade 6. ‘Yung isang klasmyt ko ay nag-open ng topic about halik. Pinagtawanan niya ako dahil sinabi ko na nakakabuntis ang halik. Sabi niya “Hala, nakakabuntis daw ‘yung halik?” sabay tawa. Pero ‘yung ibang kaklase ko ay wlang reaksyon, ni hindi man lang kumampi sa kanya. Feeling ko pare-pareho kami ng iniisip ng iba kong kaklase. ‘Yung isang kaklase ko lang ata ang nakakaalam na hindi nakakabuntis ‘yung halik.


  • Bahaghari
  • Bahaghari
    May isang pangyayari sa school noong grade 6 din na tinuro ko ‘yung bahaghari gamit ‘yung hintuturo ko para makita niya. Sabi ng kaklase ko, bawal mo daw itutuk o e point out ‘yung hintuturo mo sa bahaghari. Kasi pag ginawa mo ‘yon, mapuputol daw ‘yung daliri mo. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ‘yun na para akong kinilabutan sa sinabi niya. Sabi niya, kagatin mo lang ‘yung daliring ginamit mo sa pagpoint sa rainbow. Ginawa ko naman kasi parang expert siya sa mga ganung bagay. Pero ang lahat ng sinabi niyang iyon ay walang katuturan. Nakakatawang isipin haha.


  • Ulap
  • Ulap
    Image Source : myfunnypics.net
    Kala ko totoong nakakapaglakad ka sa mga ulap. Ito ang paniniwalang siguro karamihan sa atin ay ganito din ang pananaw. Nagkaroon ako ng ganitong paniniwala dahil sa kakapanood ng mga cartoons sa telebisyon na nakakapunta sa ulap tas doon naglalaro, naghahabulan at nagtataguan. Parang ansarap at ansaya ng kanilang mga mukha sa paglalaro sa ulap. Minsan naisip ko din na pumunta na sa ulap. Pero dumating ‘yung panahon na nalaman ko ang lahat. Di ako makapaniwala na wlang katotohanan ang lahat ng ‘yun ng aking malaman na parang hangin lang din ang mga ulap na hinding hindi mo mahahawakan.


  • Lundag
  • Lundag
    Image Source : Diyosa Carter
    Magtatalon talon ka pagsapit ng bagong taon para ikaw ay tumangkad. Ito ‘yung kadalasang sinasabi ng mga kaibigan, kamag-anak o kaklase sayo kapag sumapit na ang bagong taon para ikaw tumangkad. Para din naman kasing totoo na tatangkad ka. Ginagawa ko to noong nag-aaral pako sa Elementarya. Para din namang epektib dahil tumatangkad din ng kunti kahit papaano. Pero walang katotohanan na tatangkad ka sa paglundag lundag. Nasa genes yan ng iyong mga magulang kung matangkad sila o hindi. Pero isa lang masasabi ko, alam kong ginawa nyo rin ang paglundag sa pagsapit ng bagong taon.

    Kahit ganito man ang mga paniniwala noong ating kabataan, OK lang. Naging bahagi pa rin ito ng ating buhay na pwede nating e share ang mga ganitong paniniwala sa ating mga magiging anak o di kaya’y sa ating mga apo.

    Sana nasiyahan kayo sa inyong pagbabasa at kung nasiyahan man kayo, e share nyo sa iba para mabasa din nila. Pwede nyo rin e comment ‘yung mga karanasan nyo sa inyong kabataan na mga maling akala.

    Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

    Cheers!

    Disclaim: I do not own the images. Contact me with my email if you are the owner and your proof that you are the owner of the images and wants to be remove it right away.

    0 comments Blogger 0 Facebook

     
    DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
    Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
    Top