Mga batang masayang naglalaro ng saranggola.
Image Source : Lawrence OP
Kay sayang balikan ang ating nakaraan lalong lalo na noon gating kabataan. Ang pinakahihintay natin na mga sandali ay ‘yong makalabas tayo ng bahay at maglaro sa mga batang ating nakakasalamuha at nagiging ating kaibigan.

Naalala ko noong aking kabataan eh pinapatulog ako ni nanay. ‘Yun ‘yong ayaw na ayaw ko sa lahat. Minsan hinihintay kong matulog si nanay para akoy makatakas. Minsan kapag gising siya, inaakyat ko ‘yong pader para lang ako makatakas at makapaglaro sa mga kaibigan na masayang masaya na naglalaro sa inyong tambayan.

Kahit na tanghaling tapat ay tinitiis para lang makapaglaro at pag-uwi sa bahay pag madilim na ay pulang pula ang balat dahil sa sobrang init na para bang naligo sa ka dagat. At alam nyo na ang susunod na mangyayari, ‘yung “sinturon” (‘yung iba ay pinapaluhod sa asin pero di ko naranasan). Ito ang bagay na kinatatakutan ko dahil masakit talaga pag hinampas sayo. Minsan pagmasyadong masakit na ang pwet, ‘yung kamay ko na ang ginagawa kong kalasag. Wala ka nang magagawa kundi ang umiyak.

Kahit anong payo ng magulang na wag umalis ng bahay ng di nagpapaalam (kahit magpapaalam ka, di ka pa rin palalabasin), di ko pa rin sinusunod dahil ang gusto ko talaga ay maglaro. Ganun kasi talaga ‘yung nasa isipan natin pag ikaw ay bata.

Minsan di ka na mautusan ng magulang dahil sa mga pinaggagawa mo at sa kakalakwatsa sa labas. Pero gayon pa man, di matutumbasan ng kahit ano man ang ating mga karanasan noong ating kabataan.

May mga listahan ako ng mga laro na alam kong nalaro n’yo na rin. Ito ‘yung mga larong nakahiligan nating laruin noong ating kabataan:


  • Patintero
  •  Patintero
    Image Source : j.h. puyat

    Itong larong ‘to ay napakasaya sapagkat kahit anong edad ay pwedeng maglaro. Basta may pwestong pedeng paglaruan at tubig ay solb na, kadalasan 5 o higit pa na membro kada team ang maglalaro. Depende na rin sa rules nyo kung pwedeng tapikin ang katawan o di kaya’y ulo para ma out at ‘yung kabilang team naman ang taya.


  • Taguan
  •  Taguan
    Image Source : Chris Linag

    Kadalasang naming tong nilalaro kapag nagtatakip silim na. Kahit ilang player pwedeng maglaro. Masaya to kasi kahit saan saan na tayo nagtatago. Minsan sa kotse, sa may mga halaman, sa likod ng puno, sa may malalaking gulong, at kadalasan nagtatago tayo sa likod ng taya. ‘Yan ang ginagawa natin kapag gusto nating manggulang sa kalaro.


  • Takyan
  • Takyan
    Image Source : Christian Villamante

    Ito ‘yong larong nilalaro naming ng mga kaklase ko sa elementary kahit may pasok pa basta di pa nag ring ‘yung bell o di kaya’y di pa oras, nilalaro namin to. Hindi bale na mangamoy pawis pagnagsimula na ‘yung klase basta nag-enjoy ka. Kadalasan paa ang ginagamit sa pagtakyan at kapag marami kaming gustong maglaro ay ginagawa na naming team game para di naman kawawa ‘yung taya. Ang takyan ay gawa sa tingga o tanso na may butas sa sentro para doon ipasok ‘yung candy wrapper or ‘yung straw rope.


  • Tumbang Preso
  • Tumbang Preso
    Image Source : Inkblots™

    Ito ‘yung tipo ng laro na kailangan mabilis ka sa pagtakbo dahil dito masusubukan ‘yung flexibility mo. Kailangan mo kasing tumakbo ng mabilis upang mahuli ‘yung tatakbo na player dala-dala ‘yung tsinelas nia kapag natumba ‘yung lata na binabantayan mo kung ikaw ang taya. Usually mga lata ng tinapa ginagamit namin o di kaya pag may natyempohang lata ng gaya ng mga lata ng condense, mas ok ‘yun para madaling tamaan ang lata.


  • Holen
  • Holen
    Image Source : Chris Linag

    Laro na gustong gusto ko kasi ang gaganda ng kulay tas makintab pa pag bagong bili. Mura lang ang holen noong panahon ng kabataan natin kasi tig 25cents lang ang isa. May maraming paraan sa paglalaro ng holen pero kadalasan naming nilalaro ay ‘yung nilalagay ang holen sa bilog na hugis tapos pag natamaan mo ‘yung holen at lumabas sa bilog ay iyong-iyo na.


  • Saranggola
  • Saranggola
    Image Source : laz'andre

    Paboritong kong ginagawa kapag summer. Nagpupunta ako sa bubong ng bahay namin para mapalipad ‘yung saranggola at d sumabit sa mga puno o di kaya’y kable ng kuryente. Maganda to pagmahangin kasi di mo na kailangang tumakbo upang mapalipad ‘yung saranggola mo. Noong kabataan ko, ako lang gumagawa ng saranggola ko. Gamit ko ‘yung cellophane na malapad tas walis tingting, lastiko at xempre ‘yung sinulid. Kadalasan ang korte ng saranggola natin ay diamond ang porma. Minsan ti-nry ko korteng rectangle na nka vertical, laking mangha ko dahil lumipad.


  • Langit Lupa
  • Langit Lupa
    Image Source : youthpinoy.com

    Saan ka bababa? Ito ‘yung larong di ka dapat baba sa tinuturing n’yong lupa kundi tatapikin ka at ikaw ang magiging taya. Kailangan mong kumapit sa o tumuntong sa tinuturing n’yong langit pero kailangan mong bumaba para may thrill ‘yung laro.


  • Luksong Baka
  • Luksong Baka
    Image Source : Michael Belleza

    Ito ‘yong laro na ang taya ay nakayuko sa simula. Pagnatapos na ‘yung round na naka lukso na lahat ng manlalaro ay aangat kunti ‘yung taya hanggang sa tumaas nang tumaas ‘yung pagkakayuko niya at kapag may di nakalampas o nakayanan ang paglukso sa baka(taya) ay siya na ang taya.


  • Teks
  • Teks
    Image Source : Chris Linag

    Usong uso ito noong kapanahunan ko na laruin dahil sa mga anime na nakikita natin sa TV tas iyon ang ginagawa na mga teks gaya ng Ghost Fighter, Pokemon at iba pang mga anime. Nilalagay ito sa ibabaw ng ating hinlalaki at biglain mo sa pag pitik para lumipad ng malayo. Sa ganitong paraan di nasisira ‘yung mga kards natin di gaya nung laro na ‘yung kard ay nilalagay sa lupa tas hinahagisan ng malapad na bato o d kaya’y marble para makuha lang. Napupunit ang mga kards sa ganung paraan.


  • Chinese Garter
  • Chinese Garter
    Image Source : engel unite

    Sino ba hindi nakalaro nito sa Elementary. Aaminin ko nilalaro ko to nung Elementary ako. Masaya kasi laruin lalo na kapag naabot mo ‘yung chinese garter kahit mataas na mataas na at di na maabot ng mga girls. Mas magaling ang mga lalaki tumalon dahil sa palaging babad sa playground sa school.

    Napakasayang balikan ‘yung mga panahon na iyon na wala tayong problemang inaalala. Puro laro lang nasa isipan natin. Di na ‘yun kailanman man maibabalik kaya sinasariwa ko na lang sa pamamagitan ng paggawa ng blog.

    Alam kong napakaraming laro pa ang hindi ko nabanggit pero hanggang sampu lang nakayanan ko guys. Comment n’yo na lang dito ‘yung ibang laro na hindi ko naisali. Salamat sa pagbisita. Share nyo na lang sa Facebook para mabasa din ng iba. Thanks!

    Bisitahin lang ang Tambay Tropa para sa iba pang istorya.

    Cheers!

    Disclaim: I do not own the images. Contact me with my email if you are the owner of the image and your proof that you are the owner and wants to be remove right away.
    Next
    Newer Post
    Previous
    This is the last post.

    0 comments Blogger 0 Facebook

     
    DISCLAMER: All content provided on this blog is for educational purposes only. Some rights of respect to its copyrighted owners.
    Tambay Tropa © 2013. Template from iRumorster | All Rights Reserved. Powered by Blogger
    Top