Image : Reuel Mark Delez |
Ito ‘yung panahon noong ating kabataan na tayo’y palaging laman ng kalsada. Di alintana ang mga pangyayari sa ating kapaligiran. Titigil lang tayo kapag pinauwi na tayo ng ating mga magulang kasi kahit umaraw man o umulan, di tayo natitinag. Puro laro, kasiyahan, kulitan ang palagi nating inaatupag.
Mga panahon na naglalaro at naghuhukay sa lupa o di kaya’y sa buhangin. Mga panahon na grabe ka kung makaiyak at naglulupsay ka sa kalsada kapag di ka sinasama. Mga panahon na giniginaw na kayo sa pagtatampisaw sa ulan.
May ilan akong mga bagay na nagawa ko noon at ang tanong ko’y naaalala nyo pa ba? Mga iksena na sa ating murang edad ay ating na experience.
Ito ‘yung tipo ng laro na may gumanagap na nanay, tatay at mga anak na para bang isang pamilya. Luto-lutuan ng kung anu-ano at minsan ay nagluluto ng kanin gamit ang lata ng tinapa. Kadalasan ang bahay ay gawa sa tabla, karton o di kaya’y mga damit na di na ginagamit para maging dingding at mga kahoy upang maging haligi.
Ito ‘yung klase ng laro na palagi kang hinihingal dahil sa kakatakbo mo. Makakapag pahinga ka lang kapag hindi ikaw ang target ng taya. Kadalasan ‘yung mga nagiging target ng taya ay ‘yung mahihinang tumakbo at ito’y nagiging taya. Minsan kapag ikaw ang hinabol at malapit ka nang mataya ay sasabihin mong “TAYMPERS LANG” at magdadrama ka na nasugatan ka o di kaya’y masakit ang paa mo.
Nasubukan nyo rin bang sumakay sa kariton noong kabataan nyo? Tapos saan-saan kayo nagpupunta at kapag pagod na at hiningal na ang nagtutulak, magpapalit kayo ng pwesto. Ikaw naman ang magtutulak at siya naman ang sasakay. Nasubukan ko ito doon sa aming lugar kung saan ako ipinanganak.
Kinukutohan ka ng iyong nanay dahil sa dami ng iyong kuto sa kakalaro mo kahit na tanghaling tapat. Palaging kang nagkakamot ng iyong ulo dahil talagang makati yang mga kuto na yan. Di ko rin maitatanggi na madami ang kuto ko noong aking kabataan.
Nasubukan nyo na bang magpagulong ng gulong? Ginagamitan namin to ng kahoy at cut piece of plastic para mapagulong ang gulong. Mahirap makakita ng gulong kaya swerte ka kung pahiramin ka ng kaibigan mo.
Wag nating bati ‘yun! - Ito ‘yung palaging sinasabi natin sa ating mga kaibigan pag may nakaaway kang bata at gusto mong maghigante sa kanya. “Wag nating bati ‘yun. Di na natin siya kaibigan.” Pero ilang araw lang o di kaya’y sa isang araw ay nagkakabati na.
Benta-bentahan - Nagbebenta ng anu-anong bagay at ang gamit na pera ng mamimili ay dahon lamang. Feeling mo pag marami ka nang dahon na nakolekta ay mayaman ka na. Kadalasan sa mga tinda ay mga laruan na minsan ay sira-sira na ang kondisyon, mga bato na kakaiba ang hitsura o di kaya’y mga bulaklak.
Ilan lamang ito sa pagkarami-raming alala na nakakapagpasaya kapag ating muling nagugunita ang mga nakaraan. Hindi ko man mabanggit ang lahat ng ‘yun per sa tingin ko ay mabubuksan uli ang inyong isipan sa inyong nakaraan at e comment nyo na lang ‘yung iba nyo pang experience sa inyong kabataan.
E-share nyo na rin sa facebook para din mabasa ng iba at para naman maalala din nila at maungkit ang nakatagong alala ng kanilang kabataan. Siguro matutuwa at matatawa sila sa kanilang kinagisnan. Mga pangyayaring di inaasahan na kapag naiisip nila, natatawa sila ng mag-isa.
‘Yan lamang po at sana’y naging masaya kayo sa inyong pagbabasa. Kung gusto nyo pa ng ibang istorya, bisitahin lang ang Tambay Tropa.
Cheers!
Disclaim: I do not own the images. Contact me with my email if you are the owner and your proof that you are the owner of the images and wants to be remove it right away.
0 comments Blogger 0 Facebook